Nais ni Presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na repasuhin ang minimum wage bilang tulong sa mga manggagawa na apektado ngpagtaas ng presyo ng langis bunsod ng giyera sa pagitan ng Russia atUkraine.
Paglalahad ng senador nitong Huwebes, ito ang kadalasang isyu na naririnig nila ng kanyang Vice Presidential candidate na si Senate President Tito Sotto mula sa kanilang mga kumustahan at town hall meeting.
Umaaray din aniya ang mga manggagawa sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
"Napaka-timely ang panawagan ni Labor Secretary Silvestre Bello III namag-meet ang tripartite wage board upang pag-usapan kung kailangan nabang i-adjust ang minimum wage ng ating mga kababayan," aniya.
Dagdag pa ng senador, bagama't kinakaya pa ng mayayaman ang pagtaas na ito,
ang mas nahihirapan sa ganitong sitwasyon ay ang ordinaryong mamamayan.Kailangan din aniya na balansehin ang panawagan ng mga manggagawa sanakabubuhay na sahod at ang kapasidad ng employers na magbayad ng masmataas na sahod.