Maaaring ipagamit sa Estados Unidos ang mga pasilidad ng Pilipinas kung aabot sa Asya ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez nitong Huwebes.

Ang pahayag ni Romualdez ay bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag kung dadalo ang Pangulo sa nalalapit na Asean-U.S. Summit sa Washington, DC.

"(The President) was half and half about it. He says that there is no real compelling reason for him to attend. He says if they're asking for the support of the Philippines, he was very clear that if push comes to shove, the Philippines will be ready to be part of the effort, especially if this Ukrainian crisis spills over to the Asian region.He offered that the Philippines would be ready to open its doors, especially to our ally the United States in using our facilities, any facilities they may need," ayon ay Romualdez.

Posible aniyang buksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Clark para sa ilang sasakyang-panghimpapawid ng Amerika na nangangailangan ng supplies o Subic para sa US Navy sakaling magkaroon ng "emergency situation."

Matatandaangnaglagay ang bansa ng US air at naval bases sa Clark at Subic bago ito isinara noong 1990s.

"Let's pray it does not happen but if it spreads out in the Asian region for some reason or another, the President obviously sees that need for us to make a choice and our choice is obviously... since we have an MDT (Mutual Defense Treaty) with the US, we have this special relationship and military alliance, he said he is allowing the use of facilities," pahayag ng ambassador.

Noong 1951, pinirmahan ng Pilipinas at ng U.S. ang nasabing MDT kung saan nakapaloob ang kanilang pagtutulungan kung ang isa sa kanila ay nilulusob external party.

PNA