Magandang balita dahil ang test run ng Metro Manila Subway ay inaasahang magsisimula na sa Mayo.

Nabatid na itinakda ng Department of Transportation (DOTr) ang lowering ng kauna-unahang Tunnel Boring Machine (TBM) ng Metro Manila Subway Project (MMSP) at ang test run nito sa Valenzuela Depot ay magsisimula sa Mayo.

Kinumpirma ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang trabaho, na kinabibilangan ng istruktura at piling, sa Valenzuela depot ay dapat na makumpleto sa katapusan ng Mayo.

“Our railway sector says, in May of this year, we will see the lowering of TBM and test run at the depot in Valenzuela. Again, this is what will show that the Manila Subway is real,” anang DOTr chief sa isang pahayag nitong Huwebes.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“If the timetable that we set upon ourselves is fulfilled, the so-called project implementation, the entire subway from Valenzuela to North Avenue Station will be completed in two and a half years,” dagdag pa niya.

Tinaguriang “Project of the Century,” ang MMSP, na kauna-unahang underground mass transit system sa Pilipinas, ay isang modern railway system na maihahambing sa iba pang panig ng mundo.

Ang subway ay isang 33-kilometrong rail line na bibiyahe mula sa Valenzuela City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Sa tulong nito, iikli ang travel time o oras ng biyahe mula Quezon City hanggang NAIA ng hanggang 35 minuto na lamang, mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto.

Sa sandaling maging operational, kaya ng train line na mag-accommodate ng hanggang 370,000 pasahero kada araw sa unang taon ng operasyon nito.