Halos 600 na lamang ang naitalang panibagong kaso ng Covid-19 sa bansa nitong Huwebes.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala na lamang sila ng 592 bagong nahawaan ng sakit kaya umabot na sa 3,668,940 ang kabuuang kaso nito.
Sinabi ng DOH, aabot na sa 47,173 ang active cases ng Covid-19 sa bansa nitong Marso 10.
Nakarekober naman sa sakit ang kabuuang 3,564,509 pasyente habang 57,258 naman ang naitalang kabuuang nasawi sa karamdaman.
Paliwanag ng ahensya, 24.64 porsyento ngintensive care unit (ICU) beds ang patuloy na ginagamit para sa Covid-19 patients sa buong bansa.
Binanggit din ng DOH na nasa 22.04 porsyento na lamang ng isolation beds sa bansa ang patuloy na ginagamit, gayundin ang 13.66 porsyento ng ward beds.
Nitong Miyerkules, naitala ng DOH ang 580 na bagong tinamaan ng sakit, ang pinakamababang bilang ng kaso simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.