Lalong tumitibay ang hinala ng mga netizen na trulalu at walang halong eklavu ang bali-balitang buntis na raw si Angelica Panganiban sa kaniyang non-showbiz jowa na si Gregg Homan, kaya tinanggihan umano nito ang proyektong 'My Papa Pi' na siya sana ang leadling lady ni Piolo Pascual, na pinalitan naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/09/how-true-angelica-buntis-na-raw-sa-non-showbiz-jowa/">https://balita.net.ph/2022/03/09/how-true-angelica-buntis-na-raw-sa-non-showbiz-jowa/

Sa latest Instagram story ni Angge, makikitang ibinahagi niya ang litrato ng mga manggang hilaw na nasa puno pa. Sa Pilipinas, pinaniniwalaan na ang isa sa mga prutas na madalas paglihian ng mga buntis ay manggang hilaw, syempre, with matching bagoong.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen sa comment section ng isang entertainment site.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Actually bulung-bulungan na nga sa mga insiders na preggy siya. I'm happy for her if it turns out to be true. Sa dami ng pinagdaanan niya, sa dami ng dumaan at nang-iwan, ito na yung sigurado sa buhay niya, yung magiging baby niya. Angelica can be a lot of things pero I have a soft spot for her talaga lalo na sa quest niya sa pag ibig. Ito na yung true love na hinahanap niya. Sana nga totoo."

"Happy for her kung true nga! She has so much love to give. Napaka-generous at unselfish niya magmahal kaya sana maging mabuting nanay siya."

"Ang gandang bata for sure, kung totoo man."

Samantala, may isang netizen naman na nagsabi na dapat lamang na magbuntis na siya at her age, na hindi naman pinalampas ng mga basher.

"35 naman na siya kaya dapat lang na mabuntis na siya," wika ng netizen.

Sabi ng isang netizen, "Wow!!! 2022 na… backwards pa din thinking mo…"

"'Dapat'? Baks International Women's Month pa naman wag mo kaming madapat-dapat. Don't force a woman to be pregnant hangga't di pa handa. 2022 na usad naman sa mentality. Her body, her rules."

"Dahil babae ba dapat magbuntis? At may age talaga?"

Ngunit may nagtanggol din naman sa punto ng naturang netizen.

"Ang context lang naman ng sinabi niya ay yung biological reason. Sa isang gustong mag-anak, oo ke 2022 na or 2099, or nung panahon ni Mahoma, hindi nagbabago ang design ng anatomy ng reproductive system ng babae - sa simula ng 35 magsisimula na ang risks ng medical issues, declined fertility and possibility ng birth defects, etc etc…"

"Kapag kasi mid-30s up to 40s ang babae, risky at hirap magbuntis. Marami ngang married na early 30s pa lang na hirap na magbuntis eh. Maraming factors kaya gano’n: may PCOS, pressure on herself and from others, stress sa work, unhealthy diet/habits, etc.. Kung may pera kayo for IVF o surrogate pregnancy, okay lang to take your time. Pero kung wala at gusto ninyo magbuntis ng normal, you have to think of your biological clock."

Anyway, nagbabardagulan na ang mga netizen sa chikang ito, pero wala pang kumpirmasyon mismo mula sa kampo ni Angge, kung totoo ba ito.