Inilabas na rin ngDepartment of Budget and Management (DBM) ang₱3 bilyong fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs) at magsasaka sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kinumpirma ni DBMOfficer-in-Charge Undersecretary Tina Rose Marie Canda nitong Huwebes na sa naturang halaga ay₱2.5 bilyon ang mapupunta sa mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan habang ang natitirang₱500 milyon ay mapupunta naman sa sektor ng agrikultura.
Aniya, ibinigay na nila saDepartment of Transportation (DOTr) at sa Department of Agriculture (DA) ang pondo.
Makikinabang sa₱2.5 bilyongpondo ang mahigit sa377,000 kuwalipikadong PUV drivers. Ang₱500 milyon ay mapapakinabangan naman ng mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang sa makikinabang sa fuel assistance ang mga PUV drivers na namamasada ng jeep, UV Express, taksi, tricycle at iba pang full-time ride hailing at delivery services sa buong bansa.
Chino Leyco