Nakakuha na ng spot sa quarterfinals ang TNT matapos sagasaan ang Terrafirma Dyip, 127-107 sa kanilang salpukan sa pagpapatuloy ng PBA 46th Season Governors' Cup sa Smart-Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Dahil dito, bitbit na ng Tropang Giga ang twice-to-beat advantage matapos makuha ang 6-4 panalo at tatlong kartada.

Nakatakdang kalabanin ni TNT ang NorthPort sa Biyernes.

Nanguna sa Tropang Giga si Aaron Fuller na may 24 puntos 12 rebounds habang si Mikey Williams ay nagdagdag naman ng 16 puntos tungo sa kanilang panalo laban sa Dyip.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Sa kabila ng kanilang panalo, hindi pa rin kumpiyansa si TNT coach Chot Reyes.

“What we have is having a complete line-up, finally, since we started on the wrong foot with the import getting injured right away and we didn’t have Roger and we didn’t have Troy and Kib to start the conference.I hope we are not yet peaking because there are still a lot of things for us to workon ourgame. Our defense was horrible tonight. The good thing is that thereis acouple more games and we are in for a very, very tough battle on Friday against NorthPort,” dagdag pa nito.

Nag-ambag naman sa koponan si Jayson Castro sa nakubrang 15 puntos at anim na assists para sa Tropang Giga at sinamantala ang pagkawala niJuami Tiongson dahil sa ankle injury.

Sa panig ng Dyip, naka-30 points naman ang import na si Antonio Hester at dinagdagan pa ng 13 rebounds habang si Ed Daquioag ay kumubra ng 19 points. Nakaipon naman soJoshua Munzon ng 16 puntos.