Usap-usapan ngayon ang umano’y napipintong pag-oober-da-bakod ni Idol Philippines grand winner Zephanie Dimaranan sa Kapuso Network.

Lalo pang naging laman ng ilang diskusyon sa mga showbiz community page ang umano’y paglipat ni Zephanie sa GMA. Ayon kasi sa ilang source, nakatakdang magperform ang teen idol sa musical variety show ng GMA na “All Out Sundays.”

Matatandaang taong 2019 nang itanghal na Idol Philippines si Zephanie. Bumulusok ang kanyang karera matapos maging regular sa programang ASAP Natin ‘To at maging boses ng ilang theme songs sa ilang Kapamilya serye.

Matapos mawala sa ere ng ABS-CBN Network noong 2020, naging madalang ang paglabas ni Zephanie sa telebisyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Muli namang pinahanga ng teen idol ang sambayanang Pilipino matapos maging kinatawan ng bansa sa Now United Bootcamp noong 2021 kung saan nakasama niya ang 17 iba pang young talented artists mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Napanuod din saglit si Zephanie sa programang Sunday Noontime Live ng TV-5. Nang matigil ito, muling nagbalik ang teen star sa ASAP at naging isa sa mga orihinal na miyembro ng New Gen Divas.

Sa isang panayam noong nakaraang taon, sinabi nitong masaya siya sa mga oportunidad na natatanggap ng kanyang karera sa showbiz.

“I still can’t believe that I’m now two years in the business. Up until now, I still feel the same way, kung paano po ako nag-start, na talagang I’m trying my best to improve every day. And sobrang happy po ako, sa mga na-re-receive na opportunities from my management Cornerstone and ABS-CBN," ani Zephanie.

Wala pang kumpirmasyon ukol sa isyu si Zephanie maging ang management nito sa ilalim ng Cornerstone Entertainment. Nananatili pa rin umanong Star Music artist si Zephanie.

Kilala si Zephanie sa mga kantang “Pangarap Kong Pangarap Mo” at “Tinadhana Sa’yo.”