Ang pangunguna sa Facebook engagement sa hanay ng presidential aspirants ay isang “good sign” para sa May 9 elections, sabi ni Vice President Leni Robredo.

“Coming into the elections, magandang pangitain ito,” ani Robredo nitong Miyerkules, Marso 9.

Naungusan ni Robredo ang kanyang karibal na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong buwan sa Facebook engagement score.

Ayon sa pinakahuling pagtatala ng 58 milyong data point mula sa Facebook, nangunguna na ngayon si Robredo kay Marcos ng limang puntos noong Marso, na may kabuuang 8 milyong interaction sa 7.5 milyon ng kanyang karibal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinaliwanag ng Bise Presidente na kagaya ng online engagement kapansin-pansin din ang suporta na nakukuha niya sa ground. Aniya, “any where we go, even here in Mindanao, we feel the perseverance and support of the volunteers.”

Sinabi rin niya na ang pag-unlad ay "nakakapanghikayat" at nagpapasigla sa natitirang bahagi ng kanyang kampanya.

“Siyempre, very thankful. Very thankful kasi alam natin na ito talaga organic. Ito nanggaling talaga sa maraming supporters na tumutulong, nagpapakita rin ng pagdagdag interes sa laban natin. Very encouraging siya. Very encouraging coming from talagang walang wala,” ani Robredo.

Iniuugnay ng presidential aspirant ang score improvement sa  “awareness of volunteers and supporters” sa kanyang mga adbokasiya at campaign sorties na nagbibigay-daan sa mas maraming tao na makita siya nang malapitan.

“Yung engagement sa social media gustong sabihin na kahit ang daming mga bayaran, natatalo ito ng mga organic na mga supporters na handang makipaglaban for us,” aniya.

Sinabi pa ni Robredo na ang development ay "malaki ang epekto" sa kanya, lalo na sa nakalipas na limang taon tinanggap niya ang malawakang disinformation, bashing, at propaganda.

“So the mere fact na nakikita natin ngayon na lumalaban na yung ating mga supporters saka yung laban na ‘to organic nga, malaki yung lakas ng loob na binibigay niya sa’tin,” ani Robredo.

Naniniwala ang Bise Presidente na ang pinahusay social improvement ay "malaking tulong" sa halalan dahil binanggit niya ang mga eksperto na tinatawag itong "mas real time" na pagsukat ng mga damdamin ng mga botante.

Idinagdag niya na ang data analytics ay nagbibigay sa kanila ng ideya kung saan sila dapat pang magsikap pagdating pangangampanya.

Betheena Unite