Magbabalik na rin sa aksyon ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Marso 26.

Isasahimpapawidng NCAA ang mga nakatakdang laro nito sa pamamagitan ng officialtelevision partner na GMA Network.

Kasabay nilang magbubukas sa unang pagkakataon ang kanilang karibal na ligang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na mapapanood naman sa TV5.

Gaganapin ang opening ceremony ng NCAA sa La Salle Green Hills Gym sa Mandaluyong na agad susundan ng nakatakdang seniors basketball games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang tema ng pagdiriwang ngayong season ay, "Stronger Together, Buo ang Puso."

Muling itinalaga ng liga para maging basketball commissioner si dating PBA player at dating coach na si Bai Cristobal.

May tig-dalawang laro kada playing day sa loob ng limang araw kada linggo mula Miyerkules hanggang Linggo.

Ang format sa taong ito ay single round robin kung saan ang top 2 teams ay magkakamit ng outright berth sa semifinals at may twice-to-beat advantage.

Paglalabanan naman ng third at fourth ranked teams ang ikatlong semifinals slot at ang fifth at sixth ranked teams naman ang magtutuos para sa fourth at huling puwesto sa semifinals.

Nakatakda namang magtuos sa finals ang dalawang magwawaging semifinalists sa isasagawang best-of-three series.

Marivic Awitan