Ibinahagi sa YouTube channel na 'Mystica Celebrity Channel' na inupload noong Marso 6, 2022 ang video ng panggigigil umano ng tinaguriang 'Split Queen of the Philippines' na si Mystica sa isang security guard na nagpahinto umano sa kaniyang pagkanta sa loob ng isang supermarket dahil malapit na raw itong magsara.
Ayon sa caption ng vlog, makikita ang naturang mall sa General Trias, Cavite. Pinagalitan umano ng security personnel ang mga staff ng supermarket na humiling na kumanta si Mystica ng kaniyang hit songs, sa ibinebentang 'magic microphone' na kadalasang makikita sa supermarket o department store, upang testingin kung gumagana ito.
"MYSTICA DOESN'T JUST SING FOR FREE! THE WHOLE POINT OF MYSTICA IS, SHE WAS REQUESTED TO SING ANOTHER SONG BY THE SALES PEOPLE OF DIVIMART," saad sa caption ng video.
"GRANTED THAT THE STORE WAS CLOSED WITHOUT HER KNOWLEDGE, THERE IS ALWAYS A PROFESSIONAL WAY TO STOP HER AND SHE MADE HER POINT LOTS OF TIMES IN THIS VIDEO THAT THE RUDE, ILLITERATE, UNEDUCATED, UNPROFESSIONAL AND IDIOT SECURITY PERSONNEL COULD HAVE EASILY ASKED ONE OF THE SALESPERSONS SECRETLY TO LET MYSTICA KNOW THAT THE STORE IS CLOSED RIGHT AFTER THAT 2ND SONG WITHOUT THE RUDE BEHAVIOR OF THAT SECURITY SCOLDING EACH OF THEM RIGHT IN FRONT OF MYSTICA THAT REALLY HUMILIATED HER INFRONT OF OTHER PEOPLE!"
Dahil sa hindi umano maayos na paninita ng sekyu, nagalit si Mystica at pinagsabihan ito. Maging ang anak niya ay pumalag din at kinompronta ang isang isang personnel. Katwiran ni Mystica, libre na nga ang kaniyang pagkanta dahil request ito ng mga sales staff ng mall.
Aniya pa, tinutulungan niya rin ang mall na mas makilala pa sa pamamagitan ng pag-endorso nito sa kaniyang vlog.
Ipinagpatuloy pa rin naman ni Mystica ang pamimili rito at matapos ay umalis na rin upang umuwi. Pero sa labas ng supermarket ay sinabi ni Mystica na mukhang nagdadalawang-isip na siyang mamili roon. Suki pa mandin siya roon kaya nalulungkot siya sa hindi magandang pagtrato sa kaniya ng sekyu para sa mga gaya niyang suking customer sa naturang supermarket.
Ayon sa latest update sa naturang vlog nitong Marso 8, mukhang natanggal na raw sa trabaho ang naturang sekyu.
"SECURITY PERSONNEL NG DIVIMART, NATANGGAL NA SA TRABAHO DAHIL SA PAGPAHIYA NIYA KAY MYSTICA HABANG KUMAKANTA SA VIDEOKE AREA!" saad sa caption ng vlog.
Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.
"Deserved po yun ng security guard dahil di po niya ginagalang ang customer ginaganyan ka nga niya na isang Mystica how much more pa yung mga ordinary people?"
"Parang pinalaki mo pa yung isyu! Madadaan pa naman sa usapan 'yan eh! Kawawa pa rin yung guard, tinanggalan mo pa ng trabaho!"
"Ok lang naman na pagsabihan yung sekyu, pero ito yung hindi ko gusto, yung tanggalin na lang sa trabaho yung security guard, ??✈️ dahil nilipat na lang ng ibang posting on duty responsibility ?? Nakakalungkot po?."
"That's good to know mommy. Kita naman lagi ka po nagsha-hopping doon. And then babastusin ka lang nang ganoon. Ayan sa mga bashers, mismong mall personnel pa nagpunta kay Mommy, obviously rude talaga ang guard."
"Di bale, pag nandito ka na sa USA, you will never treat like that..they have policy of courtesy here."