Sinagot ng vlogger/social media influencer na si Madam Kilay ang tanong sa kaniya ng mga netizen kung bakit wala raw siya sa awarding para sa mga YouTubers at influencers na gaya niya.

Ayon sa kaniyang Facebook post sa private account niya na ibinahagi rin sa Madam Kilay FB page, hindi umano siya nagpaunlak dahil may bayad daw ang award. Ang siste, para mo raw binili ang parangal na iyon.

"May nagtanong sakin: BAKIT WALA DAW SA MGA AWARDING ANG PRODUCT ko na Slimming K- By MKsmetics and award daw para sakin for MadamKilay as YouTuber and influencer and Top sales product in market," aniya.

"Sagot ko: marami po nag-alok sakin ng award na kesyo top si Slimming-K and Madam Kilay for best influencer. Hindi ko po tinanggap ang award dahil May BAYAD??."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Ano 'yun bibigyan ka ng award pero magbabayad ka kung gusto mo umakyat ng stage and my photos mo sa screen. May mga package kang pagpipilian ? KALOKA!"

May presyo raw ang pag-akyat sa stage at pagtanggap ng tropeo. Ito raw ay mula ₱70k hanggang ₱200K. Kawindang nga!

"Aakyat sa stage to get your trophy at magsalita ₱200K??! pinaka mababa na ₱70K!! Hindi ako mag-PAPABUDOL SA GANYAN! ? Kahit may pera ka pa mag-focus ka sa quality ng product mo and alagaan mo!"

"But I understand kasi hindi naman sila gagastos sa venue na pang shala-shala and food, pati mga trophy etcetera kung wala naman sila mapapala! #Justsaying."

Kahit wala raw award ang mga ibinebenta niyang skin care products ay lumalaban naman daw.

"But I congratulate all! More business to us! Well Kahit walang award ang product ko I must say LUMALABAN yarn!? Social media influencer we’re all equal to make our followers happy because of our content."

Screengrab mula sa FB/Madam Kilay

Kaya ipinagtaka umano ng marami na ang hindi pa kilalang brand ng mga influencers ang nanalo bilang 'MOST ANTICIPATED BEAUTY BRAND'.

"Parang sa school lang 'yan pag ikaw lagi nakakaubos ng TRAY sa Coop pag reses best in tray ka," dagdag pa niya.

Hindi naman niya binanggit kung anong award-giving body ang tinutukoy niya.