Tila hindi kumbinsido ang isang netizen sa naiulat na bilang ng mga dumalo sa grand campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Cavite at literal na binilang nito ang mga tao sa isang larawan.

Ayon sa mga naunang ulat, tinatayang nasa 47,000 na mga Kakampink o tagasuporta ng Leni-Kiko tandem nina Presidential candidate at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan ang dumalo sa grand rally nito sa General Trias Sports Complex sa Cavite.

Basahin: Sinoplak si Remulla? Libu-libong Kakampinks sa Cavite, full-force para sa Leni-Kiko tandem – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ayon sa mano-manong pagbibilang ng isang Facebook user na si Marck Pamintuan bagaman sinabi niyang hindi rin ito “100% accurate,” nasa 1,656 lang umano ang dumalo sa naturang rally.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Assuming kulang ako ng 1000 na bilang (sinobrahan ko na) Wala pa din 3K itong nasa pic[ture]. Mukha lang palang madami,” saad ni Marck.

Kumambyo naman ito at agad na nilinaw ang unang pahayag.

Screengrab mula Facebook

“Hindi ko po sinabing ito na lahat ng umattend in contrast sa CLAIM ng mga kakambudol na 47k daw umattend lahat Caviteño,” saad nito.

Dagdag na tantsa niya, humigit-kumulang 16,000 lang ang dumalo sa naturang rally.

Mano-manong pagbibilang ng Facebook user na si Marck Pamintuan

“For your mental health, i-10x natin yung count ko, approximately [16,600] yun ang total most probably ng tao dito sa lugar na to. Ayan ha. Wag iiyak,” dagdag niya.

Tumabo na higit 21,000 reactions ang naturang Facebook post na umano rin ng sari-saring komento online.

Matatandaang ilang mabibigat na akusasyon ang lumabas kasunod ng matagumpay na rally ng Leni-Kiko tandem sa Cavite.

Nanindigan din si Cavite Rep. Boying Remulla sa umano’y paghahakot at pagbabayad ng P500 sa mga dumalong Kakampink sa lugar.

“Tig-₱500?” Boying Remulla, sinabing hakot at bayad ang mga dumalo sa isang campaign rally – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid