Sino kaya ang pinariringgan ng anak na babae nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi na si Cassy Legazpi, sa kaniyang patutsada na ayaw niya sa mga peke ay ahas na tao?

Batay sa tweet ni Cassy noong Marso 4, mukhang may pinatatamaan siyang 'ahas' o taksil na tao, na hindi naman niya tinukoy kung kaibigan ba, kakilala, kasamahan sa trabaho, o tagahanga.

"No time for snakes, good vibes and good people only," aniya sa tweet, na tiyak namang hindi literal na ahas o hayop na gumagapang at nanunuklaw ang tinutukoy niya.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Screengrab mula sa Twitter/Cassy Legazpi

Naalarma naman ang mga tagahanga at tagasubaybay ng isa sa mga cast members ng 'First Lady' sa GMA Network. Pinag-ingat siya ng mga netizen sa mga nakakasalamuha niyang tao, lalo na sa showbiz.

"Don’t entertain fake people. Lalo na hindi natin alam kung sino ang totoo at hindi."

"WAIT!! What's this??? Can you please enlighten us?"

"A friendly reminder: Be choosy to whom we would share our activities & successes in life. The envy & the low key jealousy is enough for people to feed off & tear down what could have been, before it even happens. So… close our mouths and keep mum about it."

"I agree with you Cassy! Just don't mind them. We're always here for you. Spread love and good vibes! ?"

"Cassy, mag-ingat ka sa ahas ha? Minsan nandyan lang nakakausap mo."

"Dont mind those people who are not worthy of your time. stay HAPPY ?."

"Tama. Beware of sly people wearing friendly masks."

Samantala, wala namang follow-up tweet si Cassy para ipaliwanag kung bakit napa-tweet siya nang ganoon. Ang huling tweet niya ay pagbati para sa pagdiriwang ng International Women's Day nitong Marso 8, 2022.

"Happy International Women`s Day to all my beautiful and strong women out there ?," aniya.

Screengrab mula sa TikTok?Cassy Legazpi