Dedepensahan pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang Memorandum of Agreement (MOA) nito sa Rappler.

Ito, sa kabila ng desisyon ng poll body na suspindihin ang pagpapatupad nito.

“Nothing has changed. The Comelec is still going to defend its position on the Rappler MOA,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing nitong Miyerkules, Marso 9.

“We are simply suspending the implementation of MOA. We are not abrogating it,” dagdag niya.

Sinabi ni Jimenez na nagpasya silang pansamantalang umatras dahil may nakabinbing kaso sa Korte Suprema na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG).

“The Commission found it more prudent to wait for the SC to rule on it with finality,” aniya.

Sa isang memorandum na may petsang Marso 8, sinabi ng Comelec na ipinagpaliban nito ang pagpapatupad ng mga probisyon ng MOA sa Rappler.

Leslie Ann Aquino