Inilabas ng singer na si Bituin Escalante ang kaniyang saloobin hinggil sa isyu ng 'bayaran' umano sa mga dumadalong tagasuporta sa people's rally ng Leni-Kiko tandem, partikular sa Cavite.

Naging malaking isyu kasi kamakailan ang patutsada ni Rep. Boying Remulla na nagkabayaran daw ng 500 piso sa mga nagpuntang tagasuporta sa ginanap na campaign rally ng mga Kakampink sa Cavite, noong Biyernes, Marso 4.

"Sa mga politiko na nagsasabing bayaran ang mga dumalo sa mga rally, hindi po ba napakababaw ng tingin ninyo sa inyong constituents para bansagan silang mga bayaran? Hindi po ba kayo ang problema kapag 'yun ang nangyayari dahil hindi n'yo natutugunan ang mga pangangailangan ng inyong mga constituents? Isip-isip lang po tayo," pahayag ni Bituin sa isang video na mapapanood sa kaniyang socmed.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Wala pong bayaran sa mga rally ni Leni. Pumupunta po kami roon nang kusa, nagboboluntaryo para sa bayan," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Bituin Escalante

Muli niyang niretweet ang naging kontrobersyal na buradong tweet ni Cavite Governor Jonvic Remulla tungkol sa unofficial survey nito, kung sino ang ibobotong pangulo ng mga Caviteno kung sakaling maganap ang halalan ng mga oras na iyon. Makikitang si Robredo ang nakakuha ng pinakamalaking bahagdan (81%), sumunod si Marcos (11%), Lacson (7%), at Pacquiao (1%).

Image
Screengrab mula sa Twitter/Bituin Escalante