Tiniyak ng mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Abra nitong Miyerkules, Marso 9, ang tandem ni presidential aspirant Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. at ng aspiring vice president Sara Duterte sa boto ng kanilang nasasakupan upang patunayan ang ”Solid North.”
Ito’y kasunod ng pahayag ni Gov. Ma. Jocelyn Valero Bernos na buo ang suporta ng kanyang lalawigan sa mga kandidatura ng tandem dahil ang Abra ay bansa ng mga Ilokano, tulad ni Marcos Jr.
“‘Yun ang the best reason why kami dito sa Abra—actually wala na kaming effort for BBM automatic yan kasi Ilocano country ‘to so automatic kami by heart BBM na kami. Totoo yung solid north,” aniya.
Ang tinaguriang “Solid North” ay binubuo ng mga lalawigan mula sa hilagang bahagi ng bansa, kabilang ang Abra kung saan nangampanya si Marcos Jr.
Nangampanya din si Marcos Jr. sa parehong araw sa kalapit na lalawigan ng Kalinga, kung saan nagkasalisi sila ni Duterte, ang kanyang tandem. Malugod siyang tinanggap ng mga tagasuporta na naghihintay sa kanya mula alas-6 ng umaga.
Aniya, hindi pinayagang lumipad si Duterte sa kanyang bayan mula Davao City dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sinabi ni Bernos na lahat ng 27 municipal mayors ay nagpahayag ng kanilang suporta kay Marcos Jr., na noon pa man ay tumulong na sa lalawigan.
Aniya, kahit noong panahong hindi pa kasali si Bongbong sa pulitika, lagi itong handang tumulong sa Abra, at habang si Sara ay mula sa malayong Davao, laging handa ang alkalde na magpadala ng tulong sa kanila.
“He (Marcos) is out to prove that he can leave this country to further progress,” Bernos told her constituents during Marcos Jr.’s rally at Abra Sports Complex.
Sinabi ni Bernos na umaasa siya na pondohan ni Marcos Jr. at ng UniTeam ni Duterte ang Dugong Bucay bridge project, na inaasam ng kanyang mga nasasakupan.
Joseph Pedrajas