Magpapatupad ang kumpanyang Petro Gazz ng malaking bawas-presyo sa produktong petrolyo simula Marso 10.

Sa anunsyo ng naturang kumpanya, dakong 6:00 ng umaga ng Huwebes, Marso 10 hanggang Marso 13, ay magbababa ito ng ₱5.85 sa presyo ng kada litro ng diesel at ₱3.60 naman ang itatapyas sa presyo ng gasolina nito.

Layunin ng bagong price rollback na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Huling nagpatupad ng pinakamataas na dagdag-presyo sa produktong petrolyo nitong Marso 8 kung saan umabot sa ₱5.85 ang naidagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, ₱3.85 naman sa kada litro ng gasolina at ₱4.10 naman ang ipinatong sa kada litro sa presyo ng kerosene.