ZAMBOANGA CITY - Aabot sa₱34.4 milyong halaga ng iligal na droga ang sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 9 sa Zamboanga City nitong Marso 8.
Sa pahayag ng PDEA-9, sinunog nila ang aabot sa 5,608 gramo ng shabu, 16,314 gramo ng marijuana at 20 litro ng liquid meth at expired na mga iligal na gamot sa Permex Producer and Exporter Corporation nitong Martes.
Inihayag ng PDEA-9 na isinagawa ang thermal destruction upang hindi na mapakinabangan pa ang mga nasabing iligal na droga.
Matatandaang nasamsam ang nasabing illegal drugs sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga Peninsula at Sulu Province kamakailan.
Ang pagsunog ay sinaksihan ng mga kinatawan ngDepartment of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police-Crime Laboratory, Environmental Management Bureau (EMB), mga local government officials, civil society organizations, at mamamahayag.
Liza Jocson