CEBU CITY—Nangako ang alkalde ng lungsod na magsisikap ang kanyang partido para matiyak ang panalo ng Uniteam tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Ipinagtanggol din ni Mayor Michael Rama, pinuno ng partido ng administrasyong Partido Barug, si Marcos sa mga batikos kaugnay ng Martial Law na idineklara ng kanyang ama.

“Who among us here who have not sinned? Let him who is without a sin cast the first stone,”  ani Rama sa inagurasyon ng Visayas Regional Headquarters ng BBM/Sara All Parallel Coordinating Center nitong Martes, Marso 8, sa North Reclamation Area dito.

Larawan ni Calvin Cordova/Manila Bulletin

“If there were mistakes in the past, it should not be brought to the present especially to the children, especially if the children’s only intention is to continue the good things that their parents have done,” dagdag niya.

Sinabi ni Rama na naniniwala siya na ang Marcos-Duterte tandem ang kailangan ng bansa.

“Why BBM-Sara? Why? Is there any other choice? We are coming up with a very good tandem. We are coming up with a cure if there’s any ill in the country. It is a tandem towards prosperity,” aniya.

Samantala, inamin din ni Rama na hinihintay ng mga tagasuporta ng Uniteam ang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama't wala pang endorsement na ibinigay ang pangulo, sinabi ni Rama na ang kanyang partido ay maglalagay ng kinakailangang hakbang upang suportahan si Marcos at ang Davao City Mayor.

“It (endorsement) will add up to the invincibility and formidability of the tandem but we cannot dictate on the president. We will continue to work hard to help the tandem and if the endorsement will not come, we will still continue to work hard,” ani Rama.

Sinabi ni dating Abakada Partylist Rep. Jonathan Dela Cruz, pambansang tagapayo ng BBM, na ang pag-endorso ni Pangulong Duterte ay isang bagay na "lagi nating inaasam at ipinagdarasal."

“The President will be leaving a good legacy and that is one of the many things that the Uniteam wants to be continued. Uniteam is the team that he can be proud of,” sabi ni dela Cruz.

Dumalo rin sa inagurasyon sina dating Hilongos, Leyte Mayor Jose Emery “Joy” Roble, pinuno ng BBM/Sara regional headquarters, at Davao City Councilor Danny Dayanghiyang, pinuno ng national BBM/Sara national coordinating center.

Sinabi ni Roble na ang mataas na ranking ni Marcos sa mga kamakailang survey ay indikasyon na hindi na epektibo ang mga isyung ibinabato laban kay Marcos.

“BBM and Sara are leading in surveys because a lot of people, including the youth, have woken up. Their minds cannot be poisoned anymore especially in the advent of social media where they can read what really happened in the Marcos regime,” ani Roble.

Caldin Cordova