Hindi pa umano napapanahon upang isailalim na ang buong bansa sa pinakamababang Alert Level 1 sa COVID-19 dahil may ilang lugar pa sa bansa ang hindinakakaabotsasukatangitinatakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ang pahayag ay ginawa ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III nitong Martes sa isang panayam sa radyo, kasunod ng panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na ilagay na ang buong bansa sa Alert Level 1 at buksan na ang mga paaralan para makapagdaos ng face-to-face classes.

“Hindi pa ngayon. Masyado pang…ayaw nating mawaldas natin ‘yung ating mga napagtagumpayan na. Kailangan mag-iingat tayo. Pasensya na, kasi ako talaga ‘yung prinsipyo ko sa buhay ‘yung laging mas prudent at mas conservative,” ayon pa kay Duque.

Ipinaliwanag rin ng kalihim na ang goal pa rin nila sa ngayon ay maisailalim na ang bansa sa Alert Level 1 ngunit kailangan aniyang maabot muna nito ang mga itinatakdang sukatan ng pamahalaan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Ayun naman talaga ang ating layunin. Sa bandang huli ayaw na nating mag-widespread lockdowns kasi ang laking dagok nito sa ekonomiya natin. Nakita naman natin na sumadsad,” pahayag pa ni Duque.

Una nang sinabi ni dating presidential spokesperson at IATF co-chair Karlo Nograles na ang mga criteria upang maisailalim sa Alert Level 1 ang isang lugar ay kinabibilangan ng pagkakaroon nglow to minimal risk case classification, total bed utilization rate na less than 50%, full vaccination na 70% ng target population, at full vaccination ng 80% ng kanilang Priority Group A2 (senior citizens) o target population.

Sa kasalukuyan, tanging ang National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Alert Level 1 mula Marso 1 hanggang 15.