Hinimok ng isang obispo ng Simbahang Katolika ang mga mamamayan na iwaksi na ang pagsusugal, lalo na kung ito ay nakakasira na ng buhay.

Ang mensahe ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ay para sa mga nalululong sa pagsusugal kasunod na rin nang usapin hinggil sa pagkawala ng may 31-indibidwal na iniuugnay ng mga pulis sa Online-Sabong (E-Sabong).

“Magandang tingnan natin itong E-sabong, itong mga online na sugal magandang siyasatin ng mabuti: ano nga ba ang dulot nito sa atin? Kung ito naman ay magdudulot lamang ng pinsala ay mabuting itigil na po natin ito.Kasi hindi nagbunga parang di naman nagbubunga ng mabuti tignan po natin, siyasatin po natin ng mabutikung ito nga ba talaga ay nakabubuti sa atin,” ayon kay Gaa, sa panayam ng church-run Radio Veritas nitong Martes.

Nanawagan rin ang obispo sa mga mamamayan na dapat siyasatin at itigil ng isang indibidwal ang pagsusugal lalo na at nagiging dahilan na ito upang mabaon siya sa utang at malagay sa panganib ang kanilang buhay.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Kung ito ay nagdadala sa pagkabaon sa utang, kapinsalaan din kasi nanganganib ang kanilang buhay kasi hindi naman sila makabayad ng utang, Ito'y masyado nang- parang nakakapeligro na siya ng buhay, nakakapeligro narin siya ng mga pagpapahalaga natin sa buhay,” aniya pa.