Sinabi ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na walang dapat ikabahala sa pagtatalaga kay election lawyer George Garcia bilang bagong Commission on Elections (Comelec) commissioner.

“Wala naman, wala naman. Because he’s also my lawyer. Para naman fair sa inyo. Na tumutulong din naman siya sa amin. Official naman ‘yun, hindi naman naikuble," ani Moreno sa ambush interview sa Tarlac.

“Professional naman si Atty. George. Napaka professional. He’s even a professor of law. Dean ‘yan. Nag tuturo, dekano. Atsaka talagang linya niya ‘yun. I think we’ll be in good hands. The country’s, ‘yung ating eleksyon, malalagay sa magandang kinalalagyan. Being, George being part of the system," dagdag pa niya.

Si Garcia ay election lawyer din ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/08/dating-lawyer-ni-bbm-itinalaga-bilang-bagong-comelec-commissioner/

Ibinunyag ni Domagoso na abogado rin niya si Garcia ngunit naghain na ito na pagbibitiw noong Lunes, Marso 7. “But he resigned— of course, wala na siya sa amin."

Sinabi ng alkalde ng Maynila na tinitingnan nila si Atty. Eric Lazo na pumalit kay Garcia.

Jaleen Ramos