Usap-usapan ngayon sa social media ang kuhang litrato nina Momshie Karla Estrada at TV host-actress Toni Gonzaga, mula sa Facebook page ng mga tagasuporta ng UniTeam, na pinangungunahan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.

Mismong sa official Facebook page ni Karla, makikitang nai-share ito na may caption na 'Our vote, our choice' na may red at green heart emojis.

Screengrab mula sa FB/Karla Estrada at Toni Gonzaga

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Matatandaang isa si Karla sa mga nag-perform sa pinag-usapang UniTeam proclamation rally sa Philippine Arena sa Bulacan noong Pebrero 8, 2022.

Tumatakbo si Karla bilang nominee sa ilalim ng Tingog party-list, at kasalukuyang naka-leave sa kaniyang morning talk show na 'Magandang Buhay' sa ABS-CBN. Humalili sa kaniya si Asia's Songbird Regine Velasquez. Si Momshie Jolina Magdangal naman ay isang certified Kakampink.

Sa kabila ng mga kritisismo na natatanggap niya, nilinaw ni Karla na pagdating sa political views ng kaniyang pamilya, kahit magkakaiba sila ay lubusan nila itong iginagalang.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/10/karla-estrada-wala-kaming-issue-sa-pamilya-kung-sino-ang-gusto-naming-suportahan/

"In our Family, we always practice to respect each one's opinion, and specially political views. Sinisiguro ko na sa aming tahanan pa lang ay buhay na ang mga karapatan ng aming mga boses at pananaw," aniya.

"At ang respeto ng mga anak ko, buong pamilya ko at mga taong bukas ang isip, malawak ang pag-intindi, ang tanging importante sa buhay ko. #iisanglayuninMAKATULONG," dagdag pa niya.