Itinalaga bilang bagong Comelec commissioner si George Erwin Garcia, dating lawyer ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Photo: BBM/Twitter

Kinatawan ng veteran election lawyer na si George Garcia si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kanyang VP electoral protest noong 2016.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Siya rin ang kumatawan kay Senador Grace Poe sa kanyang citizenship case sa Korte Suprema noong 2016 din.

Noong Lunes, Marso 7, nag-resign si Garcia bilang abogado ni Manila Mayor Isko Moreno.

Kabilang din sa itinalagang Comelec commissioner ay si Aimee Neri na dating undersecretary ng Department of Social Welfare and Development. 

Sila ang papalit sa posisyon nina dating Comelec commissioners Antonio Kho at Rowena Guanzon na nagretiro nito lamang Pebrero.