Trending sa social media si Rise Studio Artist at ABS-CBN teen actress na si Daniela Stranner matapos umano ang 'paninira' sa kaniyang mga kapwa young artists, batay sa pambubuking mismo ng mga dati niyang tagahanga, batay sa mga lumabas na screengrab ng pakikipag-usap niya sa group chat ng kaniyang mga tagahanga.

Screengrab mula sa Twitter

Ilan umano sa mga 'sinisiraan' niya ang mga kapwa artistang sina Kaori Oinuma, Anthony Jennings, Karina Bautista, Donny Pangilinan, at Belle Mariano o mas kilala sa tambalang 'DonBelle'.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Isa sa mga halimbawa nito, sinabihan umano niyang walang talent si Kaori, weirdo, kagaya umano ni Anthony Jennings.

"Dapat tag n'yo si Kao (Kaori) para matauhan siya, at malaman niya kung saan lang ang puwesto niya," sabi umano ni Daniela.

"Ayusin muna niya ang ugali niya bago siya mabigyan (ng projects)," saad pa umano niya.

Mas nanggalaiti pa umano ang mga netizen dahil naibahagi rin sa TikTok ang isang panayam kay Daniela na si Kaori daw ang pinaka-close niya sa Rise Studio Artists, as in para daw silang sisters!

Si Karina Bautista naman daw ay tila walang social life.

Si Donny naman daw, wala raw kaibigan sa showbiz. Pinipilit lang daw ni Donny ang kaniyang sarili na makipagkaibigan kay Rhys Miguel, pero ayaw daw ni Rhys dahil masyado umano itong pa-artista.

Ang ikinaloloka ng mga netizen, baguhan pa lamang daw si Daniela pero grabe kung makapanira umano sa mga kasamahan niya sa Star Magic, lalo na sa DonBelle na isa sa mga pinakasikat na tambalan ngayon para sa mga teens, at isa sa mga may pinakamalaking fan base.

Dismayado rin ang mga netizen dahil batay umano sa mga screengrab na kumakalat ngayon sa social media ay para bang hinahayaan lamang daw ni Daniela na lait-laitin ng kaniyang mga tagahanga ang mga nabanggit na personalidad at hindi man lamang daw suwetuhin o sawayin, at kadalasan pa ay nakikisali pa rito sa halip na ipagtanggol.

Dahil dito, trending sa Twitter ang 'CANCEL DANIELA STRANNER'.

Screengrab mula sa TikTok

Screengrab mula sa TikTok

Screengrab mula sa TikTok

Screengrab mula sa TikTok

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"I had no idea being an introvert was equated to being 'weird'. Well, dear, not everyone's lives revolve around going to clubs and partying. In fact, if you're the one I'll be hanging out with, I'd rather skip and remain at home too."

"Genuine question, who is she? like seriously, I've never heard of her, and who does she think she is? She thinks she's all that?"

"Ay baguhan pa lang at wala pang napapatunayan, attitude na si Ghorl? Never heard ka nga eh!"

"Sasakit na naman ang ulo ng talent management niyan kung paano ipagtatanggol si Ate Ghorl."

Si Daniela ay isang Filipina-German na naitampok sa defunct-teleserye na 'Make It With You' nina Liza Soberano at Enrique Gil (LiZQuen) at online movie na 'Love at First Stream' ng Star Cinema, na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2021.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Daniela, ang kaniyang talent management, maging ang ABS-CBN tungkol dito.Sa kasalukuyan din ay deactivated na ang kaniyang Twitter account.