Nananatiling kumpiyansa si Gubernatorial aspirant Vice Governor Willy Sy-Alvarado na iboboto ng kanyang mga nasasakupan si aspiring President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabila ng mga ulat na mas maraming Bulaceño ang nagpakita sa campaign rally ng pangunahing karibal nito na si Vice President Leni Robredo, noong weekend.

Ang pagkapanalo ni Marcos Jr. sa vote-rich province noong 2016 vice presidential race laban kay Robredo ang batayan ni Alvarado.

Kakampi rin umano ang kanyang mga nasasakupan ng mga ginigipit, sa kasong ito ay umano'y si Marcos Jr.

“Sa paglilibot ko po lalo na sa malayong lugar, Bongbong Marcos po. Unang una, inaapi nila. Ayaw ng mga tao inaapi,” aniya sa midya sa isang ambush interview.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Inendorso ni Alvarado ang presidential bid ni Marcos Jr. sa campaign rally nito sa Guiguinto Municipal Oval sa Guiguinto, Bulacan.

Samantala, ang karibal ni Alvarado para sa gubernatorial race na si re-electionist Governor Daniel Fernando ay nag-endorso kay Robredo noong weekend.

Ang rally ng Guiguinto ay bahagi ng tatlong rally na nakatakdang isagawa ni Marcos Jr. sa probinsiya na may halos dalawang milyong botante.

Ang unang swing ay umani ng napakaraming tao naiulat na tumanggap ng stub ng pagkain.

“I don’t know about that,” ani Alvarado.

Joseph Pedrajas