Nagpakita ng pagsuporta ang Filipino rapper, record producer, at komedyanteng si Andrew E sa UniTeam nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte sa pamamagitan ng pagpe-perform sa ginanap na campaign rally nito sa Guguinto, Bulacan ngayong Marso 8, 2022.

Nasa trending list ng Twitter si Andrew E na buong giting na nagpapa-hype sa mga dumalong BBM-Sara supporters na isinisigaw ang pangalan ng kanilang mga manok sa darating na halalan 2022.

Dahil dito, halo-halo ang naging reaksyon ng mga netizen. May mga nagsabing kaya raw kinuha si Andrew E ay para magkaroon ng energy ang mga dumalo, na hindi raw nagawa ng dating performer na si Toni Gonzaga. Mukhang may bago na naman daw artist na maka-cancel sa social media.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

"Wa epek ba ang Roar at Wonderful Tonight kaya may Andrew E resbak?"

"Andrew E is in the house!"

"E in Andrew E means Eww??"

"If what Andrew E is doing right now is decent work and he is just being professional about it. I don't really care at all. In this uncertain and pandemic times, decent work, is decent work."

"Daming galit kay Andrew E. Jusko karapatan ng bawat tao magkaron ng sariling choice."

"Andrew E is now supporting BBM during the rally. Wait 'til the Kakampinks cancel out him just because he supports their opposing candidate."

"I seriously thought Andrew E died because he's trending. Pero mas malala pala yung reason lol."

Nakilala si Andrew sa mga rap songs gaya ng 'Humanap Ka ng Panget', 'Banyo Queen', at iba pa. Ang kaniyang latest single na 'Shoot Shoot' ay ginamit na instrumental para sa campaign jingle na 'Heto na Inday Sara'.