Nanawagan si Senador Joel Villanueva nitong Lunes, Marso 7 sa gobyerno na simulan ang "agaran" at "efficient" na pamamahagi ng subsidiya sa gasolina sa sektor ng transportasyon, agrikultura, at pangisdaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay iniuugnay sa pagluluwag ng mga Covid-19 pandemic protocol sa buong mundo at, sa patuloy na hidwaan ng Russia at Ukraine.

Ito ang panawagan ni Villanueva dahil ikinalulungkot niya "na tumaas ang presyo ng langis sa pagbubukas ng ekonomiya".

“Let’s carefully study the next steps regarding excise tax for gasoline,” sabi ng re-electionist senator.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Iminungkahi ni Villanueva na bawasan o tanggalin ng gobyerno ang excise tax para sa gasolina "pansamantala para matanggal ang ilang pasanin sa ating mga mamimili".

Idinagdag niya na ang gobyerno ay maaari ring "pataasin ang mga subsidiya sa gasolina na katumbas ng pagtaas sa koleksyon ng excise tax".

“Let’s find ways to save on gasoline consumption. It’s a good thing we were able to pass the Telecommuting or Work From Home Law to address the hardships of everyday commute to work,” aniya.

“Let’s give solutions to Filipino workers so that we can all continue working despite the crisis,” dagdag niya.

Joseph Pedrajas