Sinabi ng tandem nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at aspiring vice president Sara Duterte nitong Lunes, na isusulong nila ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), bagama’t hindi nila tinukoy kung aling bahagi ng ahensya ang dapat sumailalim dito.

Tanging sinabi lang nina Marcos Jr. at Duterte na kailangan ng BFP na mag-recruit ng mas maraming bumbero at mabigyan ng espesyal na pagsasanay.

“Kung kayang gawin ito sa loob ng mas maikling panahon, gagawin natin dahil ang BFP hindi lang sa sunog, rumeresponde. Tumutulong din ito kapag may iba pang kalamidad,” sabi ng tandem sa isang pahayag.

Sinabi ni Marcos Jr. at ng UniTeam alliance ni Duterte na ang pagpapatupad ng Republic Act 11589 o ang “BFP Modernization Act of 2021” ay magpapabago sa BFP sa isang moderno at world-class na institusyon sa loob ng sampung taon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Bukod sa pagbibigay sa BFP ng mga modernong firefighting tools at life-saving equipment, mas maraming empleyado, at pagsasanay, palalawakin din ng batas ang mandato ng BFP sa pamamagitan ng pagsasama ng pag-iwas at pagsugpo sa sunog sa mga economic zone, pagtugon sa panganib sa kalamidad, at emergency management.

“We are observing Fire Prevention Month this March. It is ironic that, as we have experienced in the past years, parang mas maraming nangyayaring sunog kapag ganitong buwan. We have to improve the services and capabilities of the Bureau of Fire Protection to make it more responsive,” sabi ng UniTeam.

Joseph Pedrajas