MOSCOW - Mahigit sa 2,500 ang inaresto ng pulisya matapos magprotesta laban sa paglusob ng Russia sa Ukraine nitong Linggo.

Nakakulong na ngayon ang 2,575 na raliyista matapos buwagin ng mga pulis ang kanilang hanay sa Moscow.

Bukod sa naturang bilang, aabot pa sa 1,700 ang dinakip din at ikinulong sa Saint Petersburg City na nasa hilagang kanluran ng Russia.

Sa pahayag naman ng OVD-Info, isang independenthuman rights media project sa naturang bansa na may layuning bantayan ang pampulitikal na pag-uusig, ang mga inaresto ay ikinulong sa 49 na bayan at lungsod sa Russia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Paglalahad ng grupo, matindi ang dinanas na pahirap ng mga raliyista sa kamay ng mga pulis na gumagamit ng mga electric shockers at batuta.

Matatandaang lumusob sa kalsada ang libu-libong raliyista upang iprotesta ang paglusob ng mga sundalo ng Russia sa Ukraine 11 araw na ang nakararaan.

Agence France-Presse