Nanghihingi ng resibo si dating Senador Antonio Trillanes IV matapos ang pahayag ni Cavite Rep. Jesus "Boying" Remulla na ang mga dumalo sa campaign rally sa General Trias noong Biyernes ay binayaran at "hakot" ang mga tao.

Sa Twitter account ni Trillanes, tinanong niya kung nasaan ang resibo o umano'y ebidensya na hakot ang mga taong dumalo sa grand rally.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

https://twitter.com/TrillanesSonny/status/1500462611413962759

"Kung totoo ang sinasabi ni Boying Remulla na naghakot ang #TeamLeniKiko ng maraming tao, wala man lang nakapagvideo habang nangyayari ito? #NasaanAngResibo?" ani Trillanes.

Hindi naman binanggit ni Remulla kung sinong kandidato ang tinutukoy niya, ngunit noong Biyernes, Marso 4, ginanap ang grand rally ng tandem nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa General Trias Sports Park.

“Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend,” ani Remulla.

“Tapos ano, may jeep tapos meron silang staging area, may tshirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme eh. Hinahakot eh. Ang uniporme nila syempre pink. May mga jeep, may takip yung karatula kasi hindi naman talaga tiga-roon,” aniya pa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/06/tig-%e2%82%b1500-boying-remulla-sinabing-hakot-at-bayad-ang-mga-dumalo-sa-isang-campaign-rally/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/06/tig-%e2%82%b1500-boying-remulla-sinabing-hakot-at-bayad-ang-mga-dumalo-sa-isang-campaign-rally/

Si Boying Remulla ay kilala bilang taga suporta ni dating Senador Bongbong Marcos Jr.