Arestado ang isang umano'y taga-gawa ng bomba na asawa ng isang Abu Sayyaf sub-leader matapos salakayin ang pinagtataguan nito sa Jolo, Sulu kamakailan.

Si Nursitta Mahalli Malud, alyas Kirsita Ismael ay dinampot ng sa ikinasang joint operation ng mga sundalo at pulisya sa Barangay Tulay nitong Sabado.

Sinabi ng Joint Task Force Sulu, nasamsaman si Malud ng pampasabog at mga materyales sa paggawa ng bomba.

Sa ulat, si Malud ay asawa ni ASG sub-leader at bomb maker Mundi Sawadjaan. 

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Nakapiit na si Malud sa Jolo Municipal Police Station.