Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Marso 8.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ito ng P5.85 sa presyo ng kada litro ng kanyang diesel, P4.10 sa presyo ng kerosene at P3.60 naman ang ipapatong sa presyo ng gasolina nito.

Agad sinundan ito ng Caltex, Seaoil, Cleanfuel,Petro Gazz at Petron na magpapatupad ng kaparehong dagdag- presyo sa kanilang produktong petrolyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ito na ang ika-10 bugso ng oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis simula noong Enero 2022.

Sa loob ng siyam na linggong dagdag-presyo sa petrolyo sa mga petsang Enero 4,11,18,25 , Pebrero 1, 8, 15, 22, at Marso 1 ay umabot na sa P11.65 ang itinaas ng diesel, P10.30 sa kerosene at P9.65 naman sa gasolina.