Agad na pinag-usapan sa Twitter at nasa Trending list pa ang pagbabalik ng homegrown talent ng GMA Network na si Kris Bernal, sa bagong pang-hapong teleserye na 'Artikulo 24/7' kasama sina Rhian Ramos, Ben Alves, at Mark Herras.

Screengrab mula sa Twitter/Kris Bernal

Interesting naman kasi talaga ang karakter ni Kris dito bilang 'Klaire Almazan/Carmen Villarama' at ito ang unang full-blown kontrabida role niya sa isang Kapuso serye. Sa hitsura pa lamang ay talaga namang eksenadora at pasabog ang kaniyang dating!

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

"I'm pretty sure a new type of phobia will be added to DSM-5 after Kris Bernal's portrayal of Klaire charot hahahha. She's not here to play. INTENSEE!"

"Wow! Grabe ang comeback mo Ate Kris Bernal. Trending din!"

"A woman with a plan that will make sure no one stops her from getting what she wants. Will she fail? Or will she succeed?"

"Welcome back to Afternoon Prime Kris Bernal!! Hopefully ma-renew na kontrata niya after this."

"Pasabog naman talaga ang comeback ni Kris Bernal!"

Image
Screengrab mula sa Twitter/Kris Bernal

Image
Screengrab mula sa Twitter/Kris Bernal

Matatandaang inamin ni Kris Bernal na medyo sumama ang kaniyang loob sa home network nang hindi na ma-renew ang kaniyang kontrata. Tumanggap siya ng iba't ibang proyekto sa ibang TV network pero kung mag-ooffer daw ang GMA Network sa kaniya, ito raw ang magiging priyoridad niya.

Kaya panawagan ng mga tagahanga niya, sana raw may mabigyan ng chance si Kris na maging contract artist ulit ng Kapuso Network dahil mukhang patutunayan naman daw ni Kris na deserving siya.

Samantala, sa kaniyang Instagram post ay masayang-masaya naman si Kris.

"Takes on KONTRABIDA role for the first time," aniya.

"Because this is my first time as a kontrabida, I'm extremely excited to share that I'm also capable of more than just being the protagonist who is always the kawawa at api-apihan."

"I was surprised by some feelings that I was able to handle. It's a different aspect of me - my dark side. And, I believe everyone has it in them. At the same time, if I'm categorized as kontrabida, I'd like people to appreciate it as well as I'd been the bida for years! ??‍♀️?"

Mapapanood ang Artikulo 24/7 mula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 4:15PM.