Isa sa mga kinagigiliwan ngayon sa social media si Destiny Maylas o mas kilala bilang "Maria Kutsinta" dahil sa kanyang mga kwela na videos sa video streaming app na TikTok.
Si Maria Kutsinta, 29, ay isang Filipino transgender na naninirahan ngayon sa Sydney, Australia kasama ang kanyang Australian boyfriend na madalas niyang tawaging "AFam" sa mga videos niya.
Nakilala siya ngayon sa TikTok dahil sa kanyang mga kwelang videos at maging ang kanyang prangkang sagot sa mga nagtatanong sa kanya sa TikTok.
Mas naging maingay ang pangalan niya dahil marami ang nagkokomento ng hindi maganda tungkol sa kanya dahil sa kanyang Aussie na jowa.
Ayon sa sa mga ito pera lamang ang habol ni Maria Kutsinta sa jowa niya-- bagay na tanggap niya at parang wala siyang pakialam sa mga ganoong komento.
Bago maging sikat sa social media, ibinahagi niya ang kanyang journey mula sa pagiging lalaki hanggang sa maging babae.
Sa isang &t=736s" data-type="URL" data-id="&t=736s">YouTube video niya noong 2018, ibinahagi niya ang anim na taong Male-to-female (MTF) hormone therapy transition.
Kwento ni Maria Kutsinta, elementary pa lamang siya noong makitaan siya ng mga magulang niya na may feminine side siya.
Noong nag-highschool naman, nag-umpisa na siyang mag-isip tungkol sa kanyang gender identity at sexual orientation. Sumali pa nga raw siya sa boy scout noon at hindi pa niya alam kung ano ang ibig sabihin ng transgender.
At noong nagkolehiyo, dito na niya nadiskubre kung ano nga ba talaga siya. Kaya't noong 2012 nang simulan niya ang "hormones" o pagtransition na maging babae. Ipinangako niya sa kanyang sarili na marerebornumano siya.Taong 2018 naman nang matapos ang kanyang MTF transition.
Ginamit ni Destiny ang social media upang maka-inspire sa mga taong kagaya niya na nagnanais sumailalim din sa MTF at hormone replacement therapy (HRT).Katunayan, makikita sa YouTube channel niya ang mga videos tungkol sa pagiging transgender.
Ngayon, nagtatrabaho bilang I.T. support sa Australia si Destiny at masayang namumuhay kasama ang kanyang "AFam" na jowa na nakilala niya sa isang dating app.
Samantala, bumida na rin sa isang Australian film na "Here Our West" si Maria Kutsinta.
Sa Facebook post ni Maria Kutsinta, ibinahagi nito ang kanyang pag-ere sa pelikula. Aniya, “Hi Mga Mare. So kung di nyo pa alam no, I played a minor role in this Australian Movie. I also did the Tagalog subtitles.”
“So proud to be part of this movie.”
Umaabot na ngayon sa 40K subscribers ang kanyang YouTube channel at mayroon naman siyang 583.8K followers sa TikTok.