Hindi paawat ang dating Pinoy Big Brother housemate at miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang sa paglalabas ng kaniyang mga saloobin hinggil sa mga nangyayari sa usaping politikal ng bansa.

Matatandaang pinag-usapan umano ng mga host ng isang programa ng DZRH noong Sabado, Marso 5, ang naging kaganapan sa isang grand rally sa Cavite noong Marso 4.

Nakikita raw umano ni Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin "Boying" Remulla ang political tactics na "hakot" noong araw ay sinusubukang gawin ngayon umano ng isang politiko. Dito na rin niya sinabi na ang mga pumunta sa isang campaign rally sa General Trias noong Biyernes ay binayaran ng tig-₱500.

Umalma naman ang mga 'Kakampink' na tila ang Leni-Kiko tandem umano ang pinatatamaan. Naging trending ang hashtag na #HindiKamiBayad.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/06/tig-₱500-boying-remulla-sinabing-hakot-at-bayad-ang-mga-dumalo-sa-isang-campaign-rally/

Isa sa mga celebrity na certified Kakampink na umalma rito si Dawn Chang.

"Minsan kung sino pang nasa mataas na posisyon, siya pa ang nangunguna sa paggawa ng mali. Anong magiging kinabukasan natin kung ganitong klaseng lider ang pipiliin natin," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

"Huwag nyong insultuhin ang mga Pilipinong pinaglalaban na magkaroon ng gobyernong tapat lalo’t hindi kami bayad."

Ibinahagi rin niya sa tweet ang hashtag na #HindiKamiBayad.