Dalawang local government units (LGU) mula sa Pangasinan ang nakapag-uwi ng dalawang tropeyo sa kauna-unahang “Healthy Pilipinas Awards for Healthy Communities” na birtwal na idinaos ng Department of Health (DOH) noong Marso 4, 2022.

Nabatid na ang Bayambang Rural Health Unit ang binigyan ng parangal bilang Priority 1: Nutrition and Physical Activity Award para sa kanilang “Early Childhood Care and Development for the First 1000 Days (ECCD F1K) Dietary Supplementation Program for Mothers”.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang naturang programa ay nagsusulong ng health and nutrition para sa unang 1,000 araw ng bata, kabilang na ang paghahatid ng kinakailangang basic nutrition services, pagdaraos ng nutrition education at cooking classes, livelihood programs at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa ECCD-F1K.

Samantala, ang Ilocos Sur Provincial Health Office naman ay nakatanggap ng Priority 5: Mental Health Award dahil sa inisyatiba nito sa pagkakaloob sa mga mental health patients ng personal journal na may titulong “This Book Is So Boring”, na nagkakaloob sa may-ari o mambabasa nito ng mas ligtas na venue upang ipahayag ang kanyang mga ideya at saloobin at nag-aalok ng mga self-care tips kung paano mama-manage ang kanilang stress at anxiety o pagkabalisa.

“We extend our congratulations to the winning LGUs for their initiative and selfless effort in providing the much-needed health services even during the pandemic,” ayon kay DOH- Ilocos Region Regional Director Paula Paz M. Sydiongco.

“I encourage you to continue providing health innovations and successful strategies to address health inequities at the local level. Strengthening primary health care is a key element towards achieving “Health for All”, with the objective of building healthy communities that are strong, healthy and sustainable,” aniya pa.

Ang kauna-unahang Healthy Pilipinas Awards ay ipinagkaloob ng DOH bilang pagkilala sa mga LGUs dahil sa kanilang exemplary efforts sa pagsusulong ng mga health programs at COVID-19 response.

Ang dalawang LGUs ay napili base sa mga criteria ng DOH na kinabibilangan ng People’s Choice (20%), Partner’s Choice (30%), a Health Promotion Scorecard (50%).

Tumanggap sila ng tropeyo mula sa DOH kabilang na ang mga partners nito na USAID ReachHealth, USAID BreakthroughAction, USAID RenewHealth, UNICEF, ImagineLaw, AHA Behavioral Design, MentalHealthPH, Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI), at RedScope Communications, Inc.