Pinag-uusapan ng mga host ng isang programa ng DZRH nitong Sabado, Marso 5, ang naging kaganapan sa isang grand rally sa Cavite noong Marso 4.

Nakikita raw umano ni Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin "Boying" Remulla ang political tactics na "hakot" noong araw ay sinusubukang gawin ngayon umano ng isang politiko. Dito na rin niya sinabi na ang mga pumunta sa isang campaign rally sa General Trias noong Biyernes ay binayaran ng tig-₱500.

"Sa siyudad ng Cavite, may politiko na nagbabayad ng limang daan sa bawat aattend," ani Remulla.

Hindi naman niya binanggit kung sinong kandidato ngunit nitong Biyernes nagsagawa ng grand rally sa General Trias Cavite ang tandem nina presidential aspirant Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan na dinaluhan ng mahigit 45,000 na kakampinks o mga taga suporta nila.

"Tapos ano, may jeep tapos meron silang staging area, may tshirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme eh. Hinahakot eh. Ang uniporme nila syempre pink. May mga jeep, may takip yung karatula kasi hindi naman talaga tiga-roon," aniya pa.

Binanggit din ni Remulla, okay lang naman sa kanya kung ano ang gustong gawin ng kandidato pero huwag lamang magtriple parking sa kalye dahil nakakaabala raw.

"Mahiya naman samin na dumaraan na tiga roon, 'diba? Alam namin na hindi sila tiga roon kapag ginagawa nila 'yun. Walang disiplina." aniya pa.

Alam din daw niya kung sino ang mga organizers, nagpadala ng tao, at nagbibigay ng pera sa nasabing grand rally.

Ayon pa sa Cavite solon na gumastos mahigit-kumulang P6 hanggang P8 milyon ang organizers ng grand rally.

"Kagabi ginastusan nila 'yun, siguro mahina-hina yung mga anim hanggang walong milyon. Kasi nga desperado na, kasi ang survey sa Cavite 64-15," aniya.

Ani Remulla, 64% ang nakuha ni Bongbong Marcos sa Cavite habang ang 15% naman ay nakuha ng isang kandidatong "pink at dilaw."

Gayunman,“Hindi kami bayad!” ang sigaw ng mga “kakampink” omga tagasuportanina Robredo at Pangilinan sa naganap na grand rally sa General Trias Sports Park sa Cavite noong Biyernes, Marso 4.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/05/mga-kakampink-sa-cavite-grand-rally-hindi-kami-bayad/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/05/mga-kakampink-sa-cavite-grand-rally-hindi-kami-bayad/

Trending topic ngayon sa Twitter ang #BoyingSinungaling matapos kumalat sa Twitter ang clip ng naging pahayag ni Remulla tungkol sa grand rally. As of writing, mayroon na itong 17.4K tweets.