Isa na namang bagong milyonaryo ang naidagdag sa listahan ng mga nanalo sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito nang tamaan ng isang taga-Rizal ang₱12.5 milyong jackpot sa naganap na 6/42 draw nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ng PCSO, nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na18-34-33-39-11-36 na may nakalaang premyong₱12,537,017.
Nabili umano ang ticket sa Taytay sa Rizal.
Hindi na isinapubliko ng PCSO ang pagkakakilanlan ng nanalo para na rin sa kanyang seguridad.
Pinayuhan din ito ng PCSO na magtungo na lamang sa Central Office ng ahensya sa Mandaluyong City at magdala ng mga valid identification (ID) cards, pati na rin ang winning ticket.
PNA