Usap-usapan ngayon sa social media ang litrato ng isang namataang 'Spiderman' sa mga campaign rally ng Leni-Kiko tandem, na ibinahagi naman ni vice presidential candidate at Senador Kiko Pangilinan sa kaniyang Twitter post nitong Marso 6, 2022 ng umaga.

Pabirong tweet ni Se. Kiko, "Alam mo na kapag tunay at wagas ang gigil at commitment ng taumbayan kapag may uma-attend ng rally na naka Spiderman outfit," aniya.

Kaya sabi niya kay 'Spiderman', "Spiderman, bosing, sa susunod puede isama si Thor, Capt. America at ang Avengers? Talunin na natin si Thanos at ipanalo na natin ito!?", na may hashtag na #LeniKiko2022.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Screengrab mula sa Twitter/Senador Kiko Pangilinan

Image
Screengrab mula sa Twitter/Senador Kiko Pangilinan

Hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan nito, bagama't isang Twitter user na nagngangalang 'Soy Wablo' ang nagbahagi ng kaniyang mga litrato bilang si Spiderman na may hawak na campaign material para kay VP Leni, habang nasa harapan ng Malolos City Hall sa Bulacan. Nagtungo ang Leni-Kiko tandem sa Bulacan para sa kanilang campaign rally.

Image
Larawan mula sa Twitter/@watdee_aki

Image
Larawan mula sa Twitter/@watdee_aki

Image
Larawan mula sa Twitter/@watdee_aki

Hindi naman binanggit ni Sen. Kiko kung sino ang 'Thanos' na tinutukoy niya. Si Thanos ay fictional character na siyang pangunahing antagonista sa hit movies ng Marvel Universe na 'Avengers', partikular sa 'Infinity War' at 'Endgame'.

Samantala, sinakyan naman ito ng mga netizen.

"Baka sa kabila si Batman. Kasi kung debate ang sasabihin, bahala na si Batman."

"I like this campaign: Avengers vs Thanos! Defeat Thanos before he steals again and makes a mockery of justice - then snaps us out of our wealth, life and freedom. He’s not invincible - we have the infinity stones, let’s join forces and defeat him on May 9!"

"Look what happened sa ending ng Avengers, akala mo wala na silang kakampi at pag-asa, then boom, labasan lahat ng allies sa mga portal. Ganyan din nangyayari sa campaign n'yo ngayon, unti-unti naglalabasan mga Kakampinks."

Samantala, ibinahagi rin ito ng anak nina Sen. Kiko at Megastar Sharon Cuneta na si Kakie Pangilinan.