Isa ka ba sa mga mananayangnanalo ng milyun-milyon sa lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngunit hindi mo nakubrapagkalipas ng isang taon?

Hindi pala ito idadagdag o ipapatong sa mga premyong inaasam-asam na mapanalunan ng milyun-milyong mananaya ng lotto sa Pilipinas.

At sa halip ay mapupunta ang mga unclaimed prizes sa charity fund kung saan kukunin ang medical assistance para sa mga kuwalipikadong indibibwalna humihingi ng tulong sa PCSO.

Sa alituntunin ng nasabing government-owned and controlled corporation, binibigyan ng 365 araw ang sinumangmananayaupang makubra ang napanalunan bago ito ma-forfeit o mawawalan na ng pagkakataon ang mga ito na i-claim ang premyo.

Sa pinakahuling datos ng PCSO, tatlong mananayaang hindi pa ring kinukuha ang kabuuang panalong aabot sa₱98milyon.

Sa nasabing premyo, dalawang mananayaang nanalo at maghahati sa mahigit₱36 milyon matapos nilang mahulaan ang winning combination na34-40-08-24-36-30 sa isinagawang draw ng 6/45 Mega Lotto noong Hulyo 26, 2021.

Ang dalawa ay taga-Batangas City sa Batangas, at Muntinlupa City.

Eksaktong₱62,756,225.00 naman ang napanalunan ng ikatlo sa mga ito sa isinagawang draw ng 6/45 Mega Lotto noong Pebrero 18, 2022.

Binanggit ng PCSO na taga-Baguio City ang nasabing nanalo.

Nagtataka pa rin dahil hanggang nitong Marso 6 ay hindi pa rin kinukubra ang kani-kanilang panalo.

Kaya umaapela na ang PCSO sa tatlong nanalo na magtungo na sa Main Office ng ahensya upang personal na makuha ang premyo. Pinapayuhan ang mga ito na magdala ng dalawang valid IDs at winning ticket.