Inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto na umuwi na sa Pilipinas matapos kumalat sa social media ang video ng kanyang misis na ikinakampanya umano si presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ikinatwiran ng DFA, mahigit nilang ipinagbabawal sa mga opisyal at tauhan ng ahensya sa Pilipinas o sa ibang bansa ang pamumulitika katulad ng ginawa ng asawa ni Alonto na si Jo.

Sa isang viral video, makikita si Jo na nakasuot ng isang kulay pulang t-shirtkung saan nakatatak ang pangalan ni Marcos habang nagsasalita saharap ng mga miyembro ng Filipino community sa Riyadh.

Kaagad namang nangak si DFA Deputy Assistant Secretary for Public and Cultural Diplomacy Gonar Musor nitong Sabado na iimbestigahan ng ahensya ang insidente kasabay na rin ng pagpapauwisa nasabing ambassador.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

"The DFA regularly reminds personnel here and at Foreign Service Posts on the prohibition against engagement, whether directly or indirectly, in any electioneering or partisan political activity. It does not condone acts that go against the Omnibus Election Code, the Overseas Voting Act of 2013 and the Commission on Elections-Civil Service Commission Joint Circular No. 001, series of 2016 [that prohibits partisan activities]," sabi nito sa mga mamamahayag.

"Hindi ko po hinihiling na suportahan niyo 'yung kandidato ko kasi nasa sa inyo po 'yan. That is your right to choose the candidates that you would like to vote forpero kung tatanungin niyo po ako kung sino ang iboboto ko ay nandito po, nakasulat sat-shirtko. Ngayon kung gusto niyo akong samahan, nasa sa inyo 'yun," sabi ni Jo sabay turo sa kanyang damit kung saan nakasulat ang pangalan ni Marcos.

"Please cast your vote. Do not waste this moment because this might just be,itong pagkakataon na ito, it might just be the turning point so that we will have another Ilocano president," pahayag pa nito.

Ang nasabing video ay umani ng 120,000 views sa Twitter.

PNA