Sa ngalan ng kanyang lalawigan, nangako ng suporta si Masbate Gov. Antonio Kho kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nakipagpulong si Marcos, Jr. kay Kho at mga alkalde ng lalawigan ng Masbate noong Sabado, Marso 5.

“BBM kasi ngayon lang na-realize ng mga tao, in my own personal analysis, na ang ginawa ng ama ni Bongbong Marcos ngayon lang na-realize, tama pala ang ginagawa,” ani Kho sa isang pagpupulong ni Marcos sa mga kawani ng Masbate noong Marso 5.

Ang ama ni Marcos, Jr. ay ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, na pinakakilala sa kanyang deklarasyon ng Martial Law mula 1972 hanggang 1981 na kalauna’y napatalsik sa kanyang 21 taong diktaturya noong 1986.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ayon kay Kho, ipagpapatuloy ng UniTeam tandem ang legacy ni Marcos.

“BBM will continue the legacy that his father has started. Same with Sara, Sara will continue the legacy of his father,” paliwanag ni Kho.

Higit pa rito, mula sa 20 munisipalidad at isang lungsod ng Masbate, sinabi ni Kho kay Marcos na ang mga alkalde ng 17 munisipalidad ng Masbate ay nangako rin ng suporta sa UniTeam tandem.

“This is another history in the making dahil BBM’s rival, [Vice President Leni Robredo] is also from the region. Pero bago ako mapahiya may itatanong ako sa inyo? Kaya ba nating i-maximize ang boto for BBM?’ tanong ni Kho.

Ang lalawigan ng Masbate ay matatagpuan sa rehiyon ng Bicol, rehiyon kung saan nagmula si VP Robredo.

Si Kho ay miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at naghahangad na muling mahalal bilang Masbate Governor sa 2022 elections.

Seth Cabanban