Usap-usapan ang litrato at video ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na nakaangkas sa isang lalaking naka-motorsiklo, upang magtungo sa General Trias Sports Park sa Cavite, matapos ma-stuck sa apat na oras na mabigat na daloy ng trapiko, noong Marso 4, 2022.

“Leni Robredo. Gagawin lahat. Gagawan ng paraan. Maabot ka lang. Salamat sa pagbuhos ng pagmamahal," saad sa Facebook post ng chief of staff ni VP Leni na si Philip Dy.

Nirepost naman ng isa sa mga anak ni VP Leni na si Tricia Robredo ang viral photo ng kaniyang ina sa Twitter, at nilagyan ng caption na 'Leni ‘my ride or die’ Robredo".

Nagkomento naman dito ang isang nagngangalang 'Kristine Danica Mariano Abdon (@kristine_danica)' na nagpakilalang mister ni Sherwin Abdon, ang lalaking napakiusapang maihatid sa venue ng campaign rally si VP Leni sa pamamagitan ng motorsiklo upang hindi mahuli sa event.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Hindi po ata makakatulog ang mister ko sa sobrang saya. Mister ko po ang nasakyan ni VP," saad ni Kristine. Pinasalamatan naman siya ni Tricia, at marami sa mga Kakampink supporters ang nagboluntaryong bayaran ang gas man lamang ng mister niya.

Screengrab mula sa Twitter/RM Sobebe via Tricia Robredo

Nagsunod-sunod na ang tweet ni Kristine tungkol dito.

"Maraming maraming salamat po sa lahat. God is good! ??? Sayang, walang camera ang cp ng mister ko kaya hindi siya nakapagpa-picture kay VP @lenirobredo. Pero sobrang saya po niya talaga! Isang malaking karangalan! ❤❤❤" aniya sa isang tweet noong Marso 5, 2022.

Screengrab mula sa Twitter/Kristine Danica Mariano Abdon

Ibinahagi rin ni Kristine na hindi siya pumapayag na may ibang babaeng makiki-angkas sa kaniyang mister, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi siya makapaniwala na ang VP mismo ng Pilipinas ang sasakay sa motorsiklo ng kaniyang mister, kaya ganoon na lamang ang kanilang kasiyahan.

"Kinikilig pa rin po ang mister ko ?. (Ang dumi pa man din ng motor namin, nakakahiya kay VP @lenirobredo )

Thank you po sa karangalan. #hindiscripted #hinditroll," dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, kung marami ang natuwa sa naturang pangyayari, marami umano sa mga ilang BBM supporters ang kumuyog sa kanilang mag-asawa, batay sa tweet ni Kristine.

"Hindi po ako troll. Jusme. Hindi po ako masyadong marunong at mahilig sa Tweeter kaya po walang laman to. Mister ko po ang sinakyan ni VP @lenirobredo at motor po namin 'yun. Wag n'yo naman po kaming i-bash. Si VP at mga security niya po ang nakiusap sa mister ko para makisakay," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Kristine Danica Mariano Abdon

Pakiusap ng misis ni Sherwin, huwag naman daw sana silang tawaging trolls o Kakampwet. Ang security team daw ni VP Leni ang nakiusap sa kanila na kung puwedeng maki-angkas sa kanila ang presidential candidate, at nagpaunlak naman sila bilang pakikipagkapwa-tao.

"May nagki-claim po kasi na sa kanila daw po yung motor. Yung helmet lang po ang hindi sa amin, hiniram po yata sa ibang rider. Sana huwag n'yo naman po kaming i-bash at tawagin na trolls o Kakampwet. ? Tumulong lang po ang mister ko kay VP at isang malaking karangalan po 'yun."

Screengrab mula sa Twitter/Kristine Danica Mariano Abdon

Ngayong Marso 6, 2022, nagpasalamat naman si VP Leni kay Sherwin, sa pamamagitan ng isang tweet sa misis nito.

"Sorry po?? Dala lang ng matinding pangangailangan?? Pasabi po uli kay Sherwin, maraming, maraming salamat at naihatid niya akong ligtas."

Tumugon naman dito si Kristine, "Hi VP @lenirobredo, isang napakalaking karangalan po sa amin lalo na po sa mister ko ang mapaglingkuran kayo. Maraming salamat din po. Hindi po niya hinuhugasan ang motor kahit madumi na. Ayaw na rin po niya akong i-angkas. Hindi na po sa akin kinikilig si Sherwin, sa inyo na po. ??," aniya.

"Napakabait nyo daw po VP sabi ni Sherwin. ? Deserve n'yo po ang pinakamataas na respeto. Maraming salamat po at mabuhay po kayo!" caption ni Kristine nang i-retweet niya ang mensahe ni VP Leni para sa kaniyang mister.

Screengrab mula sa Twitter/Kristine Danica Mariano Abdon/VP Leni Robredo

This image has an empty alt attribute; its file name is image-17-600x385.png
Screengrab mula sa Twitter/Kristine Danica Mariano Abdon/VP Leni Robredo

Dito ay may nagtanong na isang netizen sa kaniya.

"I have a query, I read here on Twitter that you're not really PINK. Ano po ba talaga? Pakilinaw nga po. Thank you."

Dahil sa mga natatanggap na kritisismo ngayon, ipinaliwanag na nina Kristine at Sherwin ang kanilang panig. Batay sa latest at mahabang Facebook post ni Kristine ngayong Marso 6, 2022, inamin niyang solid BBM supporters silang mag-asawa. Sa katunayan, dumalo pa raw sila sa caravan at campaign rallies nito, at mismong ang motorsiklong sinakyan ni VP Leni ang gamit nila.

"Sana po basahin ninyo hanggang dulo at unawain po. Napakadami pong nagtatanong na mga Kakampink kung totoo daw po bang BBM kami, opo, totoo pong BBM kami. Kaya nga po wala kami sa oval nung may rally po si VP Leni Robredo. Kahit po sobrang lapit lang sa bahay namin at dinig na dinig po ang kasiyahan doon," pag-amin ni Kristine.

Ngunit dulot ng pangangailangan at dahil sadyang matulungin ang kaniyang mister, kaya pumayag itong ihatid si VP Leni sa destinasyon nito. Hindi naman daw nila akalaing mapag-uusapan at magiging trending pa ito. Nilinaw nilang hindi ito scripted at wala itong bayad. BBM supporters pa nga raw sila noong mga sandaling iyon.

"At nangyari na nga po ang makasaysayang pag-angkas ni VP Leni kay Sherwin Descalso Abdon. Hindi po namin ine-expect na magva-viral yun. Basta tumulong lang po ang mister ko kay VP dahil kailangan niya at sadya naman po siyang matulungin. Hindi po yun scripted. Wala pong bayad. Wala pong kahit na anong ipinangako na materyal na bagay o pera, kung hindi pasasalamat lang daw po kapag nasa stage na po si VP Leni. BBM pa rin po kami nang mga panahon na 'yan."

Nang mapag-usapan na ang mga litrato at videos sa social media, nagsimula na raw silang i-bash ng mga netizen, partikular umano ang ilang mga kapwa BBM supporters.

"At nang kumalat na nga po ang mga videos, pictures, nag-post na ang iba't ibang media, nagsimula na po kaming ibash ng ibang tao. Tinatawag po kami ng kung ano ano. Hinahamak, iniinsulto at hinuhusgahan po ang pagkatao namin lalo na po ang asawa ko."

"May mga nagdududa po sa intensyon namin. Sinasabihan po kami ng kung ano-anong masasakit na salita. At ang masakit po dito, mga kapwa po namin ka-BBM ang gumanito sa amin. ? Napakasakit po. Lahat po ng caravan ni BBM dito sa Cavite, sumama po kaming mag-asawa. Yang motor na yan po ang gamit namin. Kulay-pula po ang naging paborito kong kulay kahit po pink naman ang pinakagusto ko talaga."

Hindi rin umano sila nakaligtas sa pamba-bash mula sa ilang mga Kakampink, bagama't marami naman ang pumuri sa mister niya.

"May iilan Kakampink din pong nambash sa amin, nagduda, nanghusga, pero karamihan po sa mga Kakampink ay puro papuri at pasasalamat ang ipinararating sa amin, lalo na po sa mister ko. At kami po ay nagpapasalamat din sa kanila dahil hindi po namin akalain na mga Kakampink pa po ang mga naging tagapagtanggol namin laban po sa mga kapwa namin ka-BBM."

"Sobrang sakit. Hindi naman po namin ito ginusto. Tahimik lang po kaming mga tao. Ayaw po namin ng atensyon. Napakadami pong nag-iinterview sa mister ko, ngayon po lahat ay ipinatigil na namin. Sa mga nagtatanong din po kung may bayad ang interview, WALA PO."

Mukhang nakaapekto umano sa kanilang mag-asawa ang mga ginagawang pambabatikos ng ilang mga BBM supporters at iniisip na raw nilang maging Kakampink na. Nadurog umano ang kanilang pagiging 'solid BBM supporter'.

"Ngayon po, dahil sa mga ginagawa po sa amin ng mga BBM Supporters, hindi po nila alam na sila pa po ang nagtutulak sa amin na tuluyan nang maging Kakampink. Tila nadurog po yung pagka-solid namin dahil sa inyo. ? Nalimutan n'yo na po ba ang mga sinasabi lagi ni Sen. Bongbong Marcos? Kahit konting respeto lang po sana. ???"

"Sa ngayon po, nag-uusap na po kaming pamilya. Nasa undecided stage na po ulit kami. Ibabase po namin ang magiging desisyon po namin sa mga darating pa po na mga araw at mga gagawin po at sasabihin po sa amin ng mga tao. Alam ko po huhupa din ito. Matatapos din po at makakalimutan na. Maraming salamat po sa oras ninyo."

Screengrab mula sa FB/Kristine Danica Mariano Abdon

Samantala, wala pang tugon o pahayag dito ang kampo ni VP Leni o maging ang panig ni BBM.