Binalaan ng independent monitoring group na OCTA Research ang publiko nitong Linggo hinggil sa posibilidad na magkaroon ng panibagong Covid-19 surge sa mga susunod na buwan kung magpapabaya at hinditatalimasa mga umiiral na health protocols at hindimagpapaturokng booster shots laban sa virus.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa ngayon ay patuloy na nakakapagtala ang bansa ng mga bagong kaso ng Covid-19 na mas mababa sa 1,000.

Gayunman, maaari aniyang mabago ito pagtuntong ng Abril o Mayo kung magiging kampante ang publiko at magiging pabaya.

“Technically, we can say the worst is over for now pero (but) things can still change,” pahayag pa ni David sa isang panayam.

“Maybe by April or May, wearevulnerable again,” aniya pa.

Ipinaliwanag ni David na karaniwang nakararanas ng panibagong surge ang bansa matapos ang tatlong buwan nang pagluluwag ng paghihigpit.

Aniya pa, ang posibleng panibagong surge ay maaaring dulot ng Covid-19 variants, pagkabigo ng publikong tumalima sa minimum health standards, pagkakaroon ng malakihang pagtitipon gaya ng mga campaign rallies, at paglipas ng immunity na dulot ng bakuna.

“All these factors... It could cause a resurgence. Maybe not as big, but it could be a significant resurge of cases if we're not careful,” aniya pa.

Sa ngayon naman ay inaasahan pa rin aniya ng OCTA na patuloy pang bababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 ng hanggang 500 na lamang kada araw sa pagtatapos ng Marso.

Hindi pa naman aniya ito maikokonsideerang endemic sa ngayon lalo na at patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang teritoryo gaya ng Hong Kong at South Korea.

“Matatandaang ang National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ngpinakamaluwagna Alert Level 1 sa COVID-19 hanggang sa Marso 15.