Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa mga nag-abang, at sumalubong sa bawat venue sa kanilang matagumpay na Bulacan sortie noong Sabado.
“Grabe, Bulacan!!! Ginulat nyo kami!!” bungad ni Robredo sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Marso 6.
Muli nitong isinalaysay ang naging schedule ng Bulacan leg ng kanilang kampanya kabilang ang pagsadya niya sa Meycauyan matapos ang enggrandeng rally.
“Nasa San Jose del Monte na kami 8am, lumipat ng Sta Maria at Guiguinto bago pumunta sa Malolos for several events, including the Grand Rally. Pagkatapos ng Grand Rally, pumunta pa kami ng Meycauayan. Nakauwi kami 11pm na,” ani Robredo.
Ibinahagi rin ng bise presidente ang mga naging gimik ng kanyang tagasuporta mula sa mga suot nitong costume, personalized placards at ilan pang pakulo.
“Ang daming tao sa lahat na venues, andami din naghihintay sa kalsada. Parang picnic- kasama buong pamilya, pati alagang aso at pusa. Maraming nka costume, maraming mga sariling gawang placards, andun si Superman, ang mga taga Bocaue, nag alay pa ng napakagandang pagoda . For the first time, na koronahan ako onstage . May mga mananayaw din from ObandoDaming highlights at sobrang saludo sa lahat na volunteers,” pagdedetalye ng aspiring President.
Hindi rin nalimutang pasalamatan ni Robredo ang pagtatanggal ng 60 doktor mula Bulacan na aniya’y isa sa mga “pinaka-powerful number.
“Isa siguro sa mga pinaka powerful na numbers yung galing sa mga ROBREDOCS. 60 doctors from Bulacan performed the Filipino version of Les Miserablès Do You Hear the People Sing. Tagos na tagos. Ang nakakahanga kasi these are the same people who braved the frontlines for two years during the pandemic, making sure that we are kept safe. Ngayon, tuloy pa rin ang pagsasakripisyo para sa bayan,” ani Robredo.
“Mabuhay kayo, Bulacan volunteers and supporters. Baon namin ang inyong pagmamahal at tiwala,” dagdag niya.
Sa grand rally sa Malolos, Bulacan pa lang, tinatayang nasa 45,000 na mga tagasuporta na ang dumalo sa kampanya.