Napa-react ang direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap sa mga pahayag ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo, sa panawagan nito sa mga kaparian na tulungan siyang 'labanan ang mga demonyo' sa lipunan, sa ginanap na campaign rally nito sa Bulacan, kung sakaling manalo siya bilang pangulo ng bansa.

Ibinahagi ni Yap ang isang balita mula sa Manila Bulletin at nilagyan ng caption na "“FIGHTING DEMONS???”

HAHAHAHAHAAHAHAHA! Sino ka? si Zenki?"

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap/Manila Bulletin

Si Zenki ay isang anime character na nakikipagsagupa sa mga demonyo at halimaw, na mula sa isang maliit at makulit na bata ay nagta-transform sa isang malakas na nilalang.

Hango ito sa Japanese manga series na isinulat ni Kikuhide Tani, sa ilustrasyon ni Yoshihiro Kuroiwa. Napanood ito sa ABS-CBN noong 90s.

Zenki - Zenki Wiki | Anime, Old anime, Anime wallpaper
Zenki (Larawan mula sa Pinterest)

Sinabi rin ni Yap na ang airing ng 'The Exorcism of Len-Len Rose Episode 1' ay ngayong Linggo, Marso 6, 12:00 ng tanghali.

Nagtungo si VP Leni noong Marso 5, Sabado, sa Immaculate Concepcion Major Seminary in Brgy. Tabe, Guiguinto, Bulacan.

"So ang hinihingi po namin sa inyo, if you can join us– if you can join us in fighting all the demons that have been hounding us. It is enough time for us to go out, to reach out."

"Ito lang po ‘yung pag-asa natin para to bring about the kind of change that we need for our country. Bawat eleksyon po, pagkakataon na reset lahat."

"My appeal to really callling everyone to join us in the next 65 days to make sure that our elections will really be– the results of the elections will really be what will be the best for the country," dagdag pa.