Isang negosyanteng Chinese national at kanyang Pilipinong bodyguard ang inaresto ng Parañaque City Police matapos masangkot sa mga kaso ng carnapping at nakumpiskahan pa ng baril, mga bala, at patalim sa isang terminal sa Parañaque City nitong Sabado, Marso 5.

Mahaharap sa mga kasong multiple carnapping, paglabag sa Comprehensive Firearm and Ammunitions Regulatory Act at BP 6 in relation to Omnibus Election Code ang mga suspek na sinaLong Fei Yuan, 21, isang Chinese national, businessman; at Randy Obiar, 38, Pinoy driver at bodyguard ni Yuan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Chief, Brigadier General Jimili Macaraeg, inaresto ng mga pulis ang dalawang suspek sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Building, dakong 6:50 ng gabi nitong Sabado.

Lumilitaw sa imbestigasyon, nitong Marso 4 nang inireport ng biktimang si Shuai Hu, isa rin lalaking Chinese national sa PITX security office na ang kanyang white Toyota Altis na nakaparada sa PRO Parking area sa ikatlong palapag ng PITX ay nanakaw.

Nitong Marso 5 bandang 6:50 ng gabi nang pumasok sa parking area ng terminal kaya mabilis na humingi ng assistance ang duty parking cashier na si Ronalyn Hernandez kay Security Officer-in-Charge France Cadano, dahilan nang pagkakapigil sa dalawang suspek na sakay ng naturang nakaw na sasakyan.

Narekober mula kay Obiar ang sling bag na naglalaman ng isang 9mm Armscor pistol na may kasamang apat na magazines, 53 pirasong bala at walong pulgadang haba na Swiss knife.

Habang nasamsam kay Yuan ang itim na sling bag na naglalaman ng ₱1,252,000 cash.  

Nasa kustodiya ng Parañaque City Police ang dalawang suspek para sa kaukulang imbestigasyon.

"This incident should not be tolerated in our country; all lawbreakers will be apprehended regardless of their nationality," ani Macaraeg.

"Aggressive police operations and other police interventions will be conducted to reduce the number of crimes involving Chinese Nationals victimizing their compatriots,” dugtong ng SPD chief.