Si Fuschia Ann Ravena ang kinoronahang kauna-unahang Miss International Queen Philippines 2022 nitong gabi ng Linggo, Marso 6.

Ang kandidata ng Cebu City ang unang nagsuot ng korona ng nasabing titulo. Itinanghal namang first runner up ang delagada ng Maynila na si Anne Patricia Lorenzo habang second runner-up ang nasungkit ni Shane Lee Ahn ng Inayawan, Cebu.

Sa final question, natanong si Ravena sa kanyang magiging mensahe sa bansang Thailand kung siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2022.

Sagot ni Ravena, ang pagiging matatag sa gitna ng kasalukuyang pagsubok ang nais niyang maging punto ng kanyang mensahe. Magiging magandang oportunidad umano sa kanya ang magbahagi ng kanyang sariling karanasan gayundin ang kanyang matinding paniniwala sa Diyos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, present sa coronation night ang kilalang pangalan sa pageant community kabilang na ang former queens na sina Kevin Balot at Trixie Maristela.

Kasama namang naging hurado si Binibining Pilipinas International 2021 Hannah Arnold, Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo, ang kilalang designer na si Cary Santiago, celebrity manager Wilbert Tolentino at shoe brand owner Jojo Bragais.

Ang Cebu ay kilalang tahanan ng mga dating former titleholders kabilang na sina Miss Universe 2021 Top 5 finisher Beatrice Luigi Gomez at Miss Universe 2019 Top 20 semifinalist Gazini Ganados.

Mapapanuod sa KTX ang telecast ng pageant ngayong ika-11 ng gabi.

Ginanap ang coronation night sa SM Mall of Asia sa Pasay.